MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa isang tugboat na lumubog sa katubigang sakop ng Botolan, Zambales.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, nagsasagawa ng water sampling kung saan lumubog ang MTUG SL SUAL 1 na may lamang 15,000 litro ng diesel.
Ayon kay Commodore Cayabyab, katuwang ang DENR sa nasabing operasyon.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng PCG, maglulunsad ng underwater inspection ang isang third party underwater diving team sa oras na bumuti ang lagay ng panahon.
Ito ay upang malaman ang tamang proseso sa pagsasagawa ng salvage operation.
Matatandaan na Agosto 14 nang isadsad ang tugboat sa katubigang sakop ng Barangay Bangan, Botolan, Zambales matapos itong pasukin ng tubig at kalaunan ay tuluyan lumubog. Jocelyn Tabangcura-Domenden