MANILA, Philippines – Nagdaos ng mapayapang prayer rally at nagmartsa patungong Sandiganbayan ang koalisyon ng mga Kristiyanong mula sa Simbahang Katolika, Evangelical at Protestant Church.
Panawagan ng pagtitipon na ipaglaban ang judicial integrity at public accountability kasunod ng resolusyon ng Sandiganbayan Third Division na payagang makapagpiyansa si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
Anila, dapat ay magkaroon ng pantay na hustisya sa lahat ng mga opisyal na sangkot sa flood control corruption schemes. RNT