Home METRO Visayas Grid, red alert ulit

Visayas Grid, red alert ulit

1
0

MANILA, Philippines — Isinailalim sa red alert ang Visayas Grid ngayong Huwebes, Agosto 27, dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente bunsod ng sabay-sabay na outage at limitadong kapasidad ng ilang power plants.

Ayon sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), siyam na planta ang nananatiling naka-forced outage habang 16 naman ang nagpapatakbo sa mas mababang kapasidad o derated.

Dahil dito, aabot sa kabuuang 916.2 megawatts (MW) ng power capacity ang hindi available sa Visayas Grid.

Nananatili ring unavailable ang malalaking coal-fired generating units na Therma Visayas Inc. Units 1 at 2 at KEPCO SPC Power Corp. Unit 1.

Limitado rin ang maaaring iangkat na kuryente mula sa Mindanao dahil sa sitwasyon ng suplay sa naturang grid.

Ayon sa NGCP, itinataas ang red alert kapag hindi sapat ang available power supply upang tugunan ang consumer demand at regulating requirement ng transmission grid.

Yellow alert naman ang itinataas kapag kulang ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng grid.

Ilang araw nang nakararanas ng red at yellow alerts ang Visayas dahil sa patuloy na unavailability ng mga generating plant. Noong Agosto 25, nakapagtala rin ang NGCP ng mahigit 900 MW na unavailable capacity dahil sa mga plant outage at derating.

Posibleng magkaroon ng power interruptions o manual load dropping kapag hindi sapat ang aktuwal na suplay upang matugunan ang demand, bagaman hindi awtomatikong nangangahulugan ang red alert na magkakaroon ng brownout. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here