Home NATIONWIDE Byaheng Masbate – Pilar, Sorsogon kanselado sa masamang panahon

Byaheng Masbate – Pilar, Sorsogon kanselado sa masamang panahon

1
0

MANILA, Philippines – Dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng Low Pressure Area at Habagat– kinansela na ng Montenegro Shipping Lines, Inc. ang biyahe ng lahat ng fastcraft sa rutang Masbate City – Pilar, Sorsogon ngayong ika-27 ng Agosto 2026.

Sa kasalukuyan, patuloy ang operasyon ng pantalan habang hinihintay ang mga susunod na abiso ukol sa kanilang biyahe, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Patuloy namang minomonitor ng Port Management Office (PMO) Masbate ang sitwasyon sa pantalan at nakikipag-ugnayan sa mga shipping line at iba pang kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan at maayos na kalagayan ng mga biyahero.

Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang shipping line para sa mga katanungan ukol sa rebooking o susunod na iskedyul ng biyahe.

Paalala ng PPA, manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng Philippine Ports Authority (PPA) para sa mga susunod na update. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here