Home LIFESTYLE HEALTH 33 fast lane para sa leptospirosis, binuksan

33 fast lane para sa leptospirosis, binuksan

1
0

MANILA, Philippines – Upang matugunan ang dumaraming pasyente at kaso ng leptospirosis, nasa 33 fast lane ang kinailangang buksan mula mga hospital na pinamamahalaan ng Department of Health (DOH).

Napag-alamang 33 hospital ang nagbukas ng leptospirosis fast lane dahil na rin sa pagdagsa ng pasyenteng nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Bunsod ito ng sunod-sunod na mga pag-uulan at pagbaha sa Metro Manila.

Kaugnay niyan, bukod sa mga pasyenteng nakapila sa fast lanes ay may 149 na pasyenteng naka-admit ngayon sa San Lazaro Hospital. 

Para mapabilis naman ang pag-triage sa mga pasyente ay nag-deploy ng karagdagang mga nurse ang DoH Health Emergency Management Bureau, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, at Jose Reyes Memorial Medical Center pati na ng mga tent at karagdagang cot beds sa San Lazaro Hospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here