Manila, Philippines – Ayon sa nabasa ng tarot card reader sa cards ni Kathryn Benardo ay may boyfriend na raw ito ngayon at masaya na sa piling nito.
Si Mayor Mark Alcala ang napapabalitang karelasyon ni Kathryn.
Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang pag-amin kung totoong sila na ng naturang mayor.
Katuwiran ng tarot card reader, ang dahilan daw kasi ay mas pinili ng aktres ang magkaroon ng privacy pagdating sa kanyang lovelife.
Nang mabasa naman ng tarot card reader ang baraha ni Mayor Mark, sinabi niya na may girlfriend na ito.
At gaya ni Kathryn, gusto rin daw nito na maging pribado ang lahat pagdating sa kanyang buhay. Kaya hindi ito umaamin kung sino ang nagmamay-ari ng kanyang puso.
So, kung ganyang sinasabi ng tarot card reader na parehong may karelasyon na sina Kathryn at Mayor Mark, hindi kaya sila ang tinutukoy nito na magdyowa?
Base rin kasi sa sinabi ng tarot card reader ay gusto nilang pareho na maging tahimik pagdating sa kanika-kanilang relasyon. Rommel Placente