Home NATIONWIDE Lacson: 4 lote sa Taguig, posibleng may pekeng titulo

Lacson: 4 lote sa Taguig, posibleng may pekeng titulo

1
0

MANILA, Philippines – Apat na lote ng umano’y ilegal na ni-reclaim na lupa sa Taguig City ang sakop ng mga titulong “fraudulently” na na-isyu at isusumite sa Office of the Ombudsman para sa imbestigasyon, ayon kay Sen. Panfilo Lacson noong Sabado.

Sinabi ni Lacson na ibinahagi niya ang paunang resulta ng imbestigasyon upang “pabulaanan ang mga pahiwatig” na peke o “fake news” ang kanyang mga ibinunyag tungkol sa umano’y anomalya.

Ayon sa senador, ang apat na lote ay may lawak na 5,000 hanggang 193,027 square meters at dumaan sa iba’t ibang proseso ng patent at land registration. Mayroon ding apat pang lote na walang dokumentasyon sa digital records ng Land Registration Authority (LRA).

Nauna nang sinabi ni Lacson na sinusuri ng LRA ang ilang titulo na sumasaklaw sa tinatayang 38.83 ektarya ng umano’y ilegal na ni-reclaim na bahagi ng Laguna Lake sa Taguig.

“I requested the LRA to backtrack the history of the issued OCTs (original certificates of title) and other modes of titling, so we will find out how they were manipulated with the end in view of filing criminal charges against those responsible,” aniya sa isang pahayag.

Ayon kay Lacson, maaaring ideklarang “void ab initio” o walang bisa mula pa sa simula ang mga titulo kapag nagsimula ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ng forfeiture proceedings.

Nag-isyu na rin umano ang Ombudsman ng subpoenas sa LRA, PRA, Taguig Registry of Deeds at Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Since [Senator] Cayetano keeps publicly asking for evidence, I’ll give it to him, in the spirit of public interest,” saad niya sa kaniyang post sa X. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here