MANILA, Philippines — Halos umabot na sa kanilang normal high water levels ang San Roque, Ambuklao at Binga dams matapos ang ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan, ayon sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDDRMO).
Ayon sa PDDRMO nitong Linggo, ang kasalukuyang water levels ay:
–San Roque Dam: 274.91 meters above sea level (masl), kumpara sa normal high level na 280 masl
–Ambuklao Dam: 750.61 masl, kumpara sa 752 masl
–Binga Dam: 574.75 masl, kumpara sa 575 masl
Dahil sa pagtaas ng tubig, 10 dam gates ang binuksan.
Ang Ambuklao at Binga dams sa Benguet ay bahagi ng Agno River system, na konektado sa San Roque Dam sa Pangasinan.
Ang tubig mula Ambuklao Dam ay dumadaloy sa Agno River at naiipon sa Binga Dam. Kapag naglabas naman ng tubig ang Binga Dam, patuloy itong dumadaloy sa Agno River hanggang sa maipon sa San Roque Dam. RNT/MDS