ZAMBALES, Philippines – Narekober ngayon linggo, August 30, 2026, ng mga rescuer ang labi ng isang babaeng buntis na katutubong Aeta na kabilang sa mga nawawala sa labintatlong (13) sakay ng bangkang tumaob nitong biyernes sa kasagsagan ng malalakas na pagbuhos ng ulan dulot ng Habagat sa Mapanuepe Lake, San Marcelino.
Nagsasagawa pa ng search and retrieval operation ang Philippine Coast Guard at mga rescue responders para sa nalalabi pang nawawalang indibidwal. (ROEL TARAYAO)