Home METRO 17 inilikas ng PCG sa Zambales dahil sa baha

17 inilikas ng PCG sa Zambales dahil sa baha

1
0

ZAMBALES, Philippines — Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 17 katao sa Barangay Lipay, Santa Cruz, Zambales noong Sabado dahil sa pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon o Habagat.

Isinagawa ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Sta. Cruz ang paglikas bandang 8 a.m.

Sa 17 evacuees, walo ang miyembro ng isang pamilya na binubuo ng apat na matatanda at apat na bata.

Ayon sa PCG, nananatiling nakaantabay ang Deployable Response Group nito para sa anumang emergency.

Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Santa Cruz Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga coastal barangay at iba pang ahensya dahil sa masamang panahon.

Batay sa heavy rainfall advisory ng PAGASA na inilabas bandang 10:45 a.m., kabilang ang Zambales sa pitong lugar na nasa ilalim ng red rainfall warning, kung saan posible ang matinding pagbaha sa mga flood-prone areas.

Ayon din sa PAGASA, patuloy na magdadala ng monsoon rains ang Habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas nitong Linggo.

Samantala, anim na katao ang nasawi habang apat ang nailigtas matapos tumaob ang isang motorbanca na may sakay na 13 miyembro ng komunidad ng Aeta sa Lake Mapanuepe sa San Marcelino, Zambales noong Huwebes.

Noong Sabado, dalawa pang bangkay ang narekober at kinilala ng kani-kanilang mga ama. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here