Home NATIONWIDE Ambuklao, Binga at Ipo Dam nagpapakawala ng tubig

Ambuklao, Binga at Ipo Dam nagpapakawala ng tubig

1
0

MANILA, Philippines – Nakabukas ang gate ng Ambuklao, Binga, at Ipo Dam sa Luzon para magpakawala ng tubig ngayong Lunes, Agosto 31, dahil sa malalakas na ulan na ibinuhos ng Habagat sa mga nakalipas na araw.

Sa datos ng PAGASA, walong gate ang nakabukas sa Ambuklao Dam sa Benguet na may tig-5 metro, at nagpapakawala ng 644.24 cubic meters per second (cms) na tubig.

Nitong Linggo ay apat na gate pa lamang nito ang nakabukas.

Ang Binga Dam naman na nasa Benguet din ay may anim na gate na nakabukas sa anim na metro, at nagpapakawala ng 410.40 cms ng tubig.

Samantala, ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan ay may isang gate na nakabukas sa 0.15 metro at nagpapakawala ng tubig sa 34.20 cms.

Inabisuhan ang mga residente na malapit sa lugar at mga daraanang ilog na maging alerto sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here