Home METRO Lasing na tricycle driver, arestado sa pag-iwas sa Police checkpoint sa ZamboSur

Lasing na tricycle driver, arestado sa pag-iwas sa Police checkpoint sa ZamboSur

1
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines — Arestado ang isang 51-anyos na tricycle driver nitong Linggo ng gabi matapos umanong tangkaing takasan ang police checkpoint at muntik nang mabangga ang dalawang pulis sa national highway sa Barangay Tigbao, Tigbao, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Capt. Derf Jay Maquinta, tagapagsalita ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Tigbao Municipal Police Station bandang 6:10 p.m. nang mabilis na dumaan ang driver ng pulang Bajaj RE tricycle na biyaheng mula Lakewood patungong Pagadian City.

Inovertake umano ng tricycle ang isang sasakyang iniinspeksyon at hindi huminto. Muntik nitong mabangga ang dalawang pulis na agad nakaiwas at hindi nasaktan.

Hinabol ng mga awtoridad ang tricycle na umano’y lalo pang bumilis para makatakas. Kalaunan, nawalan ng kontrol ang driver at bumangga at tumagilid ang tricycle, may 300 metro mula sa checkpoint.

Ayon sa pulisya, hinihinalang nakainom ng alak ang driver at nagtamo lamang ng minor bruises.

Samantala, nagtamo ng minor injuries at pananakit ng dibdib ang dalawa niyang pasahero, edad 20 at 23. Dinala silang lahat sa Tigbao Rural Health Unit, habang isinailalim sa karagdagang pagsusuri sa Pagadian City ang dalawang pasahero.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver habang hinihintay ang pagsasampa ng kaukulang kaso. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here