Home NATIONWIDE Mga parak ipakakalat sa mga kalsadang binaha – PNP Chief

Mga parak ipakakalat sa mga kalsadang binaha – PNP Chief

3
0

MANILA, Philippines — Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga police commander na paigtingin ang monitoring at deployment ng mga tauhan sa mga binahang kalsada at expressway upang agad matulungan ang mga stranded na motorista.

Kasunod ito ng matinding pagbaha sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa San Simon, Pampanga na nagdulot ng ilang kilometrong pila at ilang oras na pagkakaipit ng mga motorista at pasahero.

“Motorists are usually left on their own in dealing with flooded roads. We do not want that to happen,” ani Nartatez.

Ayon sa PNP chief, kailangang maging bahagi ng deployment planning ng mga territorial police unit ang mga flood-prone road upang may agarang police assistance sa panahon ng emergency.

Inatasan din ang mga pulis na panatilihin ang visibility sa mga apektadong lugar, tulungan ang stranded motorists, bigyang-daan ang emergency vehicles at makipag-ugnayan sa local government units at expressway operators.

Kailangan ding bantayan ang flood levels, haba ng traffic queues at mga motoristang maaaring mangailangan ng agarang tulong.

Nag-ugat ang direktiba sa matinding trapiko sa NLEX matapos bahain ang Tulaoc section sa San Simon. Nitong madaling araw ng Setyembre 1, nanatiling mabigat ang trapiko at limitado ang pagdaan ng ilang uri ng sasakyan sa naturang bahagi habang pansamantalang sarado rin dahil sa baha ang ilang entry at exit points.

Pinayuhan naman ni Nartatez ang publiko na umiwas sa hindi kinakailangang pagbiyahe sa mga apektadong lugar at sundin ang traffic at safety advisories ng mga awtoridad.

Nauna nang ipinag-utos ng PNP ang heightened police presence at prepositioning ng disaster-response personnel at equipment sa mga flood- at landslide-prone communities habang nagpapatuloy ang epekto ng masamang panahon sa bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here