Home METRO Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls

Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls

1
0

LANAO DEL SUR, Philippines — Nagpadala ang Philippine Army ng dalawang karagdagang provisional battalions sa Lanao del Sur bilang dagdag seguridad para sa Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre 14.

Pinangunahan ni Maj. Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr., commander ng 1st Infantry “Tabak” Division (1ID), ang send-off ceremony noong Agosto 31, kasabay ng National Heroes Day.

Hinimok niya ang mga sundalo na panatilihin ang propesyonalismo, disiplina at pagiging patas, at igalang ang karapatan ng mga botante.

“Our mission is to secure an environment where citizens can freely exercise their democratic right without fear, intimidation, or disruption,” ani Barroquillo.

Dahil sa bagong deployment, umabot na sa 10 infantry battalions ng Army ang nakatalaga sa lalawigan. Sinusuportahan din sila ng armor at field artillery units.

Ayon kay Maj. Noelio Brigole, spokesperson ng 1ID, partikular na binuo ang dalawang provisional battalions para palakasin ang seguridad sa BPE.

“These are composite units drawn from headquarters and battalions outside Lanao (del Sur). After the elections, they will be returned to their respective units,” paliwanag ni Brigole.

Sinabi ng Army na layunin ng dagdag na puwersa na matiyak ang malaya, maayos, tapat at mapayapang halalan sa lugar na sakop ng kanilang responsibilidad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here