Home LIFESTYLE HEALTH Haze mula Indonesia umabot na sa LuzVis; DOH nagbabala sa publiko

Haze mula Indonesia umabot na sa LuzVis; DOH nagbabala sa publiko

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia dahil sa hanging Habagat.

Nagbabala naman ang Kagawaran ng Kalusugan sa bansa na maaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika kapag ito ay nalanghap o pumasok sa katawan ng isang tao.

Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) na dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, nakatatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

Sa pahayag pa ng DOH, habang nagpapatuloy ang banta ng haze, pinapayuhan ang lahat na mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay.

Maigi rin na alamin ang lagay ng hangin sa bawat lugar at unahin ang kaligtasan kung saan maging handa sa banta ng haze. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here