Home METRO Seguridad ngayon “Ber months” pinaigting ng Isabela PPO

Seguridad ngayon “Ber months” pinaigting ng Isabela PPO

1
0

ANGADANAN, Isabela – Pinaigting ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang seguridad ngayon kasabay ng pagsisimula ng “Ber Months” upang mamintina ang kaayusan at kapayapaan sa ibat-ibang bayan sa lalawigan.

Ngayon simula ng ‘Ber Months” ay unti-unting pagdami ng mga mamimili, biyahero, at iba pang aktibidad kaugnay ng paghahanda sa mga sunod-sunod na selebrasyon lalo sa papalapit na kapaskuhan kung kaya’t pinaaalalahanan ng pulisya ang publiko na maging mapagmatyag laban sa iba’t ibang modus ng mga kawatan at iba pang kriminal.

Sa pagpasok ng buwan ng Setyembre, inaasahang magiging mas matao ang mga pampublikong lugar, pamilihan, terminal, commercial establishments, at iba pang places of convergence kung saan dito sasamantalahin ng mga kawatan.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng IPPO ay paiigtingin ang police visibility, preventive patrols, at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, barangay officials, business establishments, at iba pang partner agencies bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Safer Cities at Safer Communities.

Kasabay nito, hinihikayat ang publiko na maging alerto sa mga karaniwang modus ng mga kawatan, kabilang ang snatching, pickpocketing, theft, burglary, at iba pang uri ng panlilinlang, lalo na sa mga matataong lugar.

Pinaaalalahanan din ang publiko na maging maingat sa mga kahina-hinalang online transaksyon. Sa panahon ngayon, maging ang teknolohiya at social media ay maaaring gamitin sa panlilinlang at iba pang uri ng kriminalidad. Kaya mahalagang maging mapanuri bago magbigay ng personal na impormasyon o magsagawa sa nasabing transaction.

Ayon kay PCol. Bringas, ang seguridad ay isang pananagutang mas magiging matatag sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kapulisan at mamamayan.

Dahil ang seguridad ay hindi lamang responsibilidad ng kapulisan, kundi responsablilidad ng bawat mamamayan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here