Home NATIONWIDE Higit 1,000 patay, 4,462 nawawala sa malawakang pagbaha sa Nepal-China border

Higit 1,000 patay, 4,462 nawawala sa malawakang pagbaha sa Nepal-China border

1
0

KATHMANDU, Nepal — Umabot na sa 1,066 ang kumpirmadong nasawi habang 4,462 katao ang nananatiling nawawala kasunod ng mapaminsalang flash floods at mudslides sa Nepal-China border na dulot ng pagguho ng glacier noong Agosto 26.

Batay sa pinakahuling situation report ng Nepal’s National Disaster Risk Reduction and Management Authority (NDRRMA) nitong Martes ng gabi, 1,050 katao na ang nasawi sa Nepal habang 3,916 ang nawawala. Nauna nang umabot sa 987 ang death toll noong Martes ng umaga bago nadagdagan ang mga bangkay na narekober sa nagpapatuloy na search operations.

Sa China naman, kinumpirma ng mga awtoridad ang 16 nasawi at 546 nawawala sa Gyirong Port sa Xizang Autonomous Region. Kabilang sa mga nawawala roon ang 261 foreign nationals mula sa 23 bansa.

Nagsimula ang kalamidad nang bumagsak ang bahagi ng glacier sa Mount Langtang Lirung sa Nepal sa taas na humigit-kumulang 5,200 metro. Nagdulot ito ng napakalaking ice-rock avalanche at debris flow na rumagasa patungo sa mga lambak at border communities.

Malawak ang pinsala sa mga komunidad, kalsada, tulay at hydropower facilities, habang libu-libong rescue personnel ang patuloy na naghahanap sa mga nawawala sa kabila ng mahirap na terrain at nasirang access roads.

Tinatayang 1.6 milyong katao ang naapektuhan sa Nepal, ayon sa preliminary government assessment.

Nagpadala na rin ang China, India at South Korea ng specialized personnel at iba pang tulong para sa search and rescue operations habang humihingi ang Nepal ng karagdagang kagamitan gaya ng DNA testing kits, drones at remote-sensing technology. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here