Home METRO Parak tigok sa ‘holdaper’ sa Batangas

Parak tigok sa ‘holdaper’ sa Batangas

3
0

BATANGAS — Nasawi ang isang pulis matapos umanong barilin ng suspek sa robbery habang nagsasagawa ng follow-up operation sa Barangay Sampaga, Balayan, Batangas.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Staff Sergeant Von Rico Bibaño Macuha ng Sta. Teresita Municipal Police Station. Kinumpirma rin ng Police Regional Office 4A na nasawi si Macuha matapos barilin ng isang armadong suspek habang nagsasagawa ng hot-pursuit operation.

Batay sa police report, nagtungo ang mga operatiba sa pansamantalang tirahan ng suspek sa Barangay Sampaga kaugnay ng isang robbery case.

Nang mapansin umano ng suspek ang mga pulis, tumakas ito dahilan upang habulin ng mga operatiba. Pumuwesto umano ang suspek sa isang mataas na bahagi ng lugar at nagpaputok sa mga humahabol na pulis, tinamaan sa ulo si Macuha.

Agad na isinugod ang pulis sa isang medical facility sa Calaca City bago inilipat sa intensive care unit ng isang ospital sa Balayan, kung saan kalaunan ay binawian siya ng buhay.

Patuloy naman ang hot-pursuit operation laban sa tumakas na suspek, katuwang ang Provincial Police Intelligence Unit, Batangas Police Provincial Office at Provincial Mobile Force Company.

Pinarangalan naman ng PRO4A si Macuha dahil sa kanyang serbisyo at pagkamatay habang ginagampanan ang tungkulin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here