Home NATIONWIDE Preliminary investigation isinagawa vs Tab Baldwin, 8 iba pa – DOJ

Preliminary investigation isinagawa vs Tab Baldwin, 8 iba pa – DOJ

4
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ang preliminary investigation sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide laban kay dating Ateneo de Manila University coach Tab Baldwin at walong iba pa kaugnay ng pagkamatay ng dalawang student athlete noong Hunyo.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Usec. Ian Norman Dato, ang kasong dinidinig ngayon ay reckless imprudence resulting in homicide at hindi ang naunang reklamong paglabag sa anti-hazing law na inihain ng Philippine National Police (PNP).

Ipinaliwanag ni Dato na ito ang kasong pasok sa ebidensiyang iniharap ng mga awtoridad at sa kwalipikasyon sa ilalim ng Department Circular No. 20, na tumutukoy sa prima facie evidence rule.

Pinagsusumite ang mga respondent ng counter-affidavit sa ikalawang pagdinig sa Setyembre 15.

Bukod kay Baldwin, kabilang sa mga respondent sina:

1. Grant Dearns

2. Dean Caesar B. Castaño

3. Sandro Nicholas Soriano Romero

4. Reynaldo C. Jacinto Jr.

5. John Eric Quiambao Rueca

6. Ceasar Vincent Javellana Elumba

7. Emmanuel Toribio Fernandez

8. Vincent Raphael M. Mangulabnan

Isinagawa ang unang preliminary hearing noong Lunes, Agosto 31.

Hindi naman lalampas sa anim na taon ang katumbas na pagkakakulong sa naturang kaso.

Matatandaang namatay matapos malunod sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa Dipaculao, Aurora, habang dumadalo sa kanilang training o team building noong Hunyo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here