Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, in-address na ni Elijah Canlas ang isyu tungkol sa hiwalayan nila ni Miles Ocampo.
Katunayan, marami na raw ang nagtatanong sa kanya pero hindi raw siya nagsasalita hinggil sa isyu.
Pero, once and for all, nagsalita na rin siya sa interview sa kanya ni Ogie Diaz.
“As much as we’ve been trying to, I’ve been trying to keep it private, kasi syempre I’m going through it. Pero dahil lumalabas na ‘tong lahat, I think it’s time for me to say na, opo, totoo siya. Out of respect for Miles, I will always have love for her,” sey niya.
Aniya, mutual na desisyon daw nila ang maghiwalay pagkatapos na magkabalikan noon.
Nilinaw din niya na bagama’t masakit ang kanilang naging breakup ay maayos daw naman ang kanilang naging paghihiwalay.
“Yun yung masakit na part about it, Mama Ogs, kasi nga we got back together thinking na, ‘This is it.’ But yeah, that’s what happens with relationships, binigay namin lahat and we broke up mutually and very amicably. Walang hate, at least on my part. Masakit ‘yun ganung klase na [breakup], yung mutual na wala naman talagang problema, pero na-realize niyo lang na baka hindi talaga match,” paliwanag niya.
Klinaro rin niya na walang third party na involved sa kanilang breakup.
Hindi rin daw totoo ang mga akusasyong lumabas na isa siyang cheater.
“Yung pag-speculate ng mga tao, wala na kaming magagawa. We’re public figures, it comes with the job. Minsan masakit kasi syempre hindi nila alam yung totoo, wala naman silang alam, and that’s how I’d like to keep it. Yung mga pinagdaanan namin, amin yun,” bulalas niya.
Inabswelto rin niya ang Kapuso actress na si Thea Astley kung saan nakunan sila ng video na magkasama sa La Union.
Ang totoo raw ay kasama niya ang mga kaibigan nang magbakasyon sila sa La Union.
Si Thea raw ay isa rin sa close friends niya kaya hindi dapat bigyan ng malisya ang pag-alalay niya rito at hindi pakikipag-holding hands.
Kumbaga, nabigyan lang daw ng malisya ng netizens ang kanilang pagsasama.
Sa naturang panayam, natanong din ang aktor kung nananatiling magkaibigan sila ng ex.
“Friends… I don’t know if I can say that now. We broke up amicably, yes, but syempre we were together 5 years, Mama Ogs. Parang it’s not easy to just jump back to being friends like that, it’s been a couple of months pa lang. It’s been very fresh. But I’d be open to it. She’s a great person,” pagtatapos niya. Archie Liao