MANILA, Philippines – Dumating sa Quezon City Hall of Justice ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado ng umaga, Setyembre 5.
Ito ay makalipas ang isang araw na nag-isyu ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa reklamo ng grave threat.
Sa ulat, dumating ang mga abogado ni Duterte na sina Michael Poa at Lawrence Lim at pumasok sa Hall of Justice.
Hindi naman ito tumugon sa tanong ng mga mamamahayag kung magpipiyansa ba ngayong araw ang Bise Presidente.
Matatandaan na bigong humarap si Duterte sa korte nitong Biyernes.
Nag-isyu ang QC Regional Trial Court Branch 98 ng arrest warrant kaugnay sa three counts ng grave threats laban kay Duterte matapos makitaan ng sapat na batayan para ito ay litisin. RNT/JGC