MANILA, Philippines – Naitala sa Koronadal City monitoring station ang “very unhealthy” air quality nitong Linggo, Setyembre 6, dahil sa haze mula sa Indonesia, ayon sa Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB).
Sa mga lugar na ang kalidad ng hangin ay “very unhealthy,” ang mga residente ay inaabisuhang umiwas sa heavy-traffic areas.
Ang mga indibidwal din na may heart o respiratory conditions kabilang ang asthma ay inaabisuhang manatili na lamang sa loob ng bahay at magpahinga, ipagpaliban ang non-essential trips, at limitahan ang paggamit ng sasakyan.
Samantala, naitala naman ang “acutely unhealthy” air quality sa monitoring station sa Iligan City.
Inabisuhan din ng mga awtoridad ang publiko na limitahan ang kanilang outdoor physical exertion.
Bukod sa mga nabanggit na lugar, naitala rin ang air quality na “unhealthy for sensitive groups” sa ilang monitoring stations sa buong bansa. Ito ay sa:
Palawan State University
Talisay City
WMSU, San Ramon, Talisayan, Zamboanga City
DENR X Compound, Cagayan de Oro City
Barangay Mabini, Cabadbaran City
Nauna nang sinabi ng DENR-EMB na ang haze ay nakakaapekto sa bansa dahil sa usok mula sa mga forest fire sa Kalimantan, Indonesia, na tinangay ng Habagat. RNT/JGC