Home METRO 49-anyos ina, natagpuang patay sa ilog sa Bukidnon

49-anyos ina, natagpuang patay sa ilog sa Bukidnon

1
0

BUKIDNON, Philippines – Natagpuang patay at palutang-lutang sa mababaw na bahagi ng Sawaga River sa Barangay 9 nitong Lunes ng umaga ang isang 49-anyos na ina na nawawala matapos umalis sa kanilang bahay madaling-araw ng Linggo.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Beng,” residente ng Barangay Casisang sa lungsod. Agad rumesponde ang Malaybalay City Police matapos ireport ng mga residente ang isang bangkay na nakita sa pagitan ng mga bato sa ilog.

Kinilala siya ng kanyang asawa at mga anak. Ayon kay Lt. Col. Joepet Paglinawan, hepe ng Malaybalay police, humingi ng tulong online ang pamilya matapos umalis ang babae sa kanilang bahay bandang hatinggabi ng Linggo.

Ayon sa mga kaanak, nakaranas umano ang biktima ng nervous breakdown at dati nang umaalis ng bahay nang walang paalam. Bago siya umalis, sinabi rin umano niyang nais niyang tumalon mula sa isang tulay.

Sa paunang imbestigasyon, walang nakitang senyales ng foul play. Nakitaan ang biktima ng matinding pinsala sa ulo at maraming bali sa mga braso at binti, kaya tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na nahulog o tumalon siya mula sa tulay patungo sa ilog.

Dinala na ang kanyang katawan sa isang lokal na punerarya para sa mga kaukulang paghahanda sa lamay. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here