Home HOME BANNER STORY Arrest warrant vs Romualdez ibinalik ng CIDG sa Sandiganbayan

Arrest warrant vs Romualdez ibinalik ng CIDG sa Sandiganbayan

3
0

MANILA, Philippines — Ibinalik na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Sandiganbayan nitong Martes, Setyembre 8, ang arrest warrant laban kay dating House Speaker Martin Romualdez matapos itong maisilbi sa kanya.

Kinumpirma ng PNP-CIDG na nasa kanilang kustodiya na si Romualdez, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y kickback scheme sa mga proyekto ng gobyerno.

Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant kay Romualdez habang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City nitong Lunes.

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na itinuturing nang person deprived of liberty si Romualdez matapos basahan ng kanyang mga karapatan at maisilbi ang warrant habang nasa ospital.

Sumailalim din sa booking procedure si Romualdez sa kanyang hospital room. Inilabas ng PNP nitong Martes ang kanyang mugshot kaugnay ng plunder case.

Naghain naman ang kampo ni Romualdez sa Sandiganbayan ng mosyon na payagan siyang manatili sa ospital habang kinakailangan pa umano ang kanyang inpatient medical treatment.

Nauna nang itinanggi ni Romualdez ang anumang wrongdoing at sinabi ng kanyang kampo na haharapin niya ang mga alegasyon alinsunod sa proseso ng batas. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here