Home LIFESTYLE HEALTH 2.71 bilyong katao, patay sa 2nd-hand smoke

2.71 bilyong katao, patay sa 2nd-hand smoke

3
0

MANILA, Philippines — Tinatayang 2.71 bilyong katao sa buong mundo ang nalantad sa second-hand smoke noong 2023, na iniugnay sa humigit-kumulang 1.66 milyong premature deaths, ayon sa bagong pag-aaral na inilathala sa The Lancet Public Health.

Batay sa analysis mula sa Global Burden of Disease (GBD) 2023, sinuri ng mga mananaliksik ang exposure at epekto sa kalusugan ng second-hand smoke sa 204 bansa at teritoryo mula 1990 hanggang 2023.

Sa 2.71 bilyong nalantad noong 2023, nasa 767 milyon ang mga batang edad 0 hanggang 14. Tinatayang 44.8 milyong taon ng healthy life ang nawala dahil sa premature death, sakit at disability na nauugnay sa exposure.

Nanguna ang ischemic heart disease sa kabuuang health burden na iniugnay sa second-hand smoke, habang respiratory infections naman ang pangunahing epekto sa mga bata. Tinatayang 5.2 milyong respiratory tract infections sa mga bata ang naiugnay sa exposure noong 2023.

Second-hand smoke ang nalalanghap ng mga hindi naninigarilyo mula sa usok ng nasusunog na produktong tabako at sa usok na inilalabas ng naninigarilyo.

Bagama’t bumaba nang tinatayang 22 porsiyento ang proportion ng populasyong nalalantad sa second-hand smoke mula 1990 hanggang 2023, nanatiling halos pareho ang kabuuang bilang ng mga exposed dahil sa paglaki ng populasyon, partikular sa ilang bahagi ng Africa at Middle East.

Natukoy rin sa pag-aaral na malaking bahagi ng health burden ang nararanasan ng mga babae at bata, dahilan upang igiit ng mga researchers ang mas mahigpit na pagpapatupad ng tobacco-control measures sa mga pampublikong lugar at iba pang lugar kung saan maaaring malantad ang mga hindi naninigarilyo.

Ayon din sa World Health Organization, nananatiling pangunahing public health threat ang tobacco at second-hand smoke exposure at mahalaga ang pagpapatupad ng smoke-free policies upang maprotektahan ang mga hindi naninigarilyo. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here