Home NATIONWIDE Track record sa pagtulong sa mahihirap swak sa papel ni Pacquiao bilang...

Track record sa pagtulong sa mahihirap swak sa papel ni Pacquiao bilang NAPC secretary

4
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na ang karanasan at pagiging maawain ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary and Lead Convenor Manny Pacquiao para sa mga pinoy mula sa marginalized sectors ang mga konsiderasyon ng pagkakatalaga sa kanya sa nasabing posisyon.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang kasaysayan ni Pacquiao sa pagtulong sa mga tao mula sa mahirap at marginalized communities ang mga dahilan kung bakit naging akma siya para pangunahan ang NAPC.

“Alam naman po natin na si dating senator Manny Pacquiao kung papaano siya nakisalamuha ng ibang mga kababayan natin na nasa laylayan ng lipunan. Alam natin na kung papaano siya dumamay sa ating mga kababayan,” ani Castro.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa pwesto ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, bilang Kalihim at Lead Convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC). PInalitan ni Pacquiao si dating NAPC lead convenor Secretary Lope Santos III.

Ang kahandaan ni Castro na tumulong sa mga nangangailangan ay nag-ugat sa kanyang personal na adbokasya at malasakit para sa mga disadvantaged Filipino.

“Kumbaga nandoon na iyong kaniyang mithiin, ang kaniyang damdamin na tumulong sa nasa ilalim nga ng lipunan,” aniya pa rin.

“Siguro doon nanggagaling ang dahilan kung bakit siya ang na-appoint sa nasabing posisyon, dahil nakikita natin na ang pagtulong ni Senator Manny Pacquiao sa ating mga kababayan ay nanggagaling sa kaniyang puso, sa kaniyang magandang mithiin,” dagdag na wika nito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here