Home NATIONWIDE Indibidwal na nag-abot ng pro-China note sa Seoul forum ikinanta ni Teodoro

Indibidwal na nag-abot ng pro-China note sa Seoul forum ikinanta ni Teodoro

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang indibiduwal na nag-abot sa kanya ng isang pro-China note habang isinasagawa ang Seoul Defense Dialogue ay ang Chinese defense attaché na nakatalaga sa South Korea.

“Sabi ng mga organizers, yung Chinese Defense Attaché na nakatalaga sa Korea,” ang sinabi ni Teodoro sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Kaya nga hindi na nakapagpigil pa si Teodoro nang sabihin nito na “Mahiya naman kayo nang kaunti” dahil nga sa kalagitnaan ng kanyang pagsagot sa mga tanong sa defense forum ay isang sulat ang iniabot kay Teodoro na naglalaman umano ng posisyon ng China hinggil sa 2016 South China Sea arbitral ruling.

Ayon sa organizer ng forum, isang staff member ang nagbigay ng note kay Teodoro at sinabing nagmula ito sa panig ng China.

“I have a note here. I think this is from China. You should have joined. May I read it?” ang winika ni Teodoro bago basahin ang nilalaman ng sulat.

Nakasaad sa note na ang posisyon ng China sa arbitral ruling ay “clear, consistent, and firm.”

Agad naman itong kinuwestyon ni Teodoro. Iginiit niya na ang arbitration ay isinagawa alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“‘The Arbitration violates fundamental principles of international law.’ What you signed, UNCLOS, you mean violates international law. That’s what you mean,” ayon sa Kalihim.

Giit ni Teodoro na hindi kinikilala ng China ang arbitral award dahil hindi pabor sa kanila ang naging desisyon.

“‘China neither accepts nor recognizes the Award.’ Of course, because you lost,” ayon pa rin kay Teodoro.

Hindi nagustuhan ni Teodoro ang paraan ng pagbibigay ng note habang isinasagawa ang forum.

Ayon kay Teodoro, nagpapakita umano ito ng kawalan ng respeto hindi lamang sa mga organizer kundi maging sa mismong Seoul Defense Dialogue.

Para kay Teodoro, isa itong anyo ng pambubully at kawalan ng disiplina sa isang international defense forum.

“Now, in Filipino: Maging disente lang kayo nang konti. Mahiya naman kayo nang konti.”

Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Teodoro sa taong nagbigay ng sulat at sinabing itatabi niya ito bilang “memento” ng umano’y desperasyon ng China sa usapin ng territorial dispute.

“I will keep this paper as a memento of how desperate China is, and how ineffective its position is in the face of a free audience,” anito.

Nagpasalamat din siya sa nag-abot ng note, na aniya ay nakatulong sa kanyang bansa sa pamamagitan ng pagpapakita ng posisyon ng China sa harap ng international audience.

“You just done your country a great service, thank you. And I hope you don’t suffer in a goal for it.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here