Home OPINION ROAD RAGE ISAMA SA DRIVING REFRESHER COURSE

ROAD RAGE ISAMA SA DRIVING REFRESHER COURSE

2
0

NAKABABAHALA ang halos araw-araw na road accident. Marami nang buhay ang kinitil at mga ari-ariang nasira dulot ng road crashes. Dagdag pa rito ang lumalalang road rage sa lansangan at isa nga rito ay ang nag-viral kamakailan na suntukan sa pagitan ng isang siklista at tatlong lulan ng isang pribadong sasakyan.

Ayon sa 2018 report ng World Health Organization, tinatayang nasa 1.35 M ang namamatay kada-taon dahil sa road traffic accident. Binanggit din sa kanilang talaan na pangwalo ang naturang aksidente sa dahilan ng kamatayan ng tao sa lahat ng edad at unang-unang dahilan naman ng kamatayan ng mga taong nasa edad 5 hanggang 29 sa mundo. Wala pa tayong konkretong talaan sa ngayon tungkol sa road rage incident.

Bakit ba nangyayari ang aksidente at road rage?

Karaniwang nakikita sa imbestigasyon ng road crash incident ang hindi pagsusuot ng seatbelt ng 4-wheel driver at passengers at hindi pagsusuot ng approved na helmet ng motorcycle riders at angkas nito. Dagdag pa rito ang violation tulad ng over speeding, mga nagmamanehong nasa ilalim ng impluwensya ng alak at ipinagbabawal na gamot, paggamit ng cellphone at iba pa.

Ang maaaring dahilan naman ng road rage ay stress, sobrang pagod, singitan sa trapiko, at kawalan ng pasensya. Lumalala ito dahil sa agresibong pagmamaneho, provocation, at personal na problema.

May programa ang pamahalaan sa pamamagitan ng Land Transportation Office at Technical Education and Skills Development Authority sa pagsasagawa ng ganitong klase ng training. Ang problema nga lang ginagawa lamang ito ng mga datihang driver sa pagre-renew ng kanilang lisensya. Dahil 10 years na ang validity ng lisensya ayon sa kasalukuyang patakaran ng LTO, hindi tayo nakasisiguro na maaalala ng mga driver ang kanilang natutunan sa training.

Kaya nararapat lamang na magkusa at magsagawa ang mga kompanya ng refresher course para sa kanilang mga driver at idagdag ang road rage bilang isa sa highlights ng kurso. Sa ganitong paraan, masisiguro natin ang kaligtasan, kawastuhan sa pagmamaneho at kaayusan sa lansangan.

Maiiwasan na ang aksidente at road rage, protektado pa ang negosyo sa defensive driving refresher course.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here