Home METRO Mayon nagbuga ng abo; 600-meter plume naitala

Mayon nagbuga ng abo; 600-meter plume naitala

3
0

ALBAY, Philippines – Nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon nitong Linggo ng umaga, na lumikha ng 600-meter-high plume mula sa bunganga nito bago inanod patungong timog-silangan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala sa video ng Mayon Volcano Observatory – Ligñon Hill Station at Ligao Station ang ash emission dakong alas-6 ng umaga.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Mayon. Pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na iwasan ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone.

Nakapagtala rin ang bulkan ng 24 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras. Nakita rin ang crater glow na maaaring mapansin kahit ng mata lamang.

Noong Sabado, nakapagtala ang Mayon ng 841 tonelada ng sulfur dioxide at nagbuga ng moderate plume na umabot sa 500 metro bago inanod patungong timog-silangan at timog-timog-silangan.

Patuloy ding ipinagbabawal ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan dahil sa posibleng panganib.

Kabilang sa mga hazard na maaaring idulot ng Mayon ang biglaang steam-driven o phreatic eruption, rockfall o landslide, at lahar kapag may malakas at matagal na pag-ulan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here