Home METRO Viral na mga barrier sa highway sa Bataan, iniayos na ng DPWH

Viral na mga barrier sa highway sa Bataan, iniayos na ng DPWH

2
0

BATAAN, Philippines – Inayos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga barrier sa ginagawang bahagi ng highway sa Limay, Bataan matapos mag-viral ang video na nagpapakitang tila naging “obstacle course” ito para sa mga motorista.

Ayon sa DPWH, inayos ang pagkakapuwesto ng mga barrier na dati ay magkakalayo at hindi nakahanay sa iisang linya, dahilan para mapilitang umiwas at magpaikot-ikot ang mga dumaraan.

Ibinahagi ng YouScooper na si Ge ang video noong Setyembre 8.

Ayon kay Ge, madalas umanong masira ang naturang highway kapag malakas ang ulan dahil sa Habagat o tropical cyclone. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here