Home NATIONWIDE Cayetano sa Singapore trip: Bakasyon lang!

Cayetano sa Singapore trip: Bakasyon lang!

1
0
Screenshot

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Linggo na nagpunta lamang sila ng kanyang pamilya sa Singapore para magpahinga, kasunod ng mga tanong tungkol sa kanilang pag-alis ng bansa.

Sa isang Facebook Live, sinabi ni Cayetano na pribado ang kanilang biyahe at wala umanong dahilan para hindi sila makapaglakbay.

“Private yun at gusto lang magpahinga,” ani Cayetano.

Namataan sina Alan at Senador Pia Cayetano na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong madaling araw ng Linggo.

Ayon kay Cayetano, sinabi rin umano ng mga responsableng opisyal mula sa Bureau of Immigration at Office of the Ombudsman na wala silang nakikitang dahilan para pagbawalan silang bumiyahe.

Aniya, nagulat siya na naging isyu ang kanilang “routine, quiet and short” na biyahe, na iniuugnay niya sa umano’y “toxic” na political environment sa bansa.

Naging kontrobersyal ang kanilang pagbiyahe dahil sa mga ulat na iniuugnay si Cayetano sa isyu ng “kaldero” na ginamit sa 2019 Southeast Asian Games.

Samantala, nagsumite si Senador Panfilo Lacson sa Ombudsman ng mga case study at dokumento hinggil sa umano’y “systemic anomalies” sa mga flood control project sa Taguig City, na political bailiwick ng mga Cayetano.

Tinukoy rin ni Cayetano ang umano’y “persecution” ni Lacson laban sa kanya, kanyang pamilya at Taguig.

“Pinapaubaya ko na sa Panginoon,” aniya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here