Home NATIONWIDE Recto sa investors: Konkretong proyekto, ilatag sa Luzon Economic Corridor

Recto sa investors: Konkretong proyekto, ilatag sa Luzon Economic Corridor

3
0

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga dayuhang investor na magsumite ng konkretong proyekto para sa Luzon Economic Corridor (LEC), na inaasahang makalikha ng hanggang isang milyong trabaho.

Sa welcome reception para sa inaugural LEC Investment Forum noong Setyembre 9, tiniyak ni Recto na tutulungan ng gobyerno ang mga investor na resolbahin ang mga hadlang sa pagpasok at pagpapatupad ng mga proyekto.

“Bring us your serious proposals. Bring us your biggest and most exciting ideas,” ani Recto.

Layunin ng LEC na pagdugtungin ang Subic, Clark, Metro Manila at Batangas bilang pangunahing sentro para sa logistics, manufacturing, digital connectivity at iba pang industriya. Kinumpirma rin ng Malacañang na ang proyekto ay inaasahang makalikha ng hanggang isang milyong trabaho.

Kabilang sa mga planong development ang technology at advanced manufacturing hub sa New Clark City na nakatuon sa semiconductor, artificial intelligence at iba pang high-value industries.

Sinabi ni Recto na handa ang pamahalaan na pag-ugnayin ang mga ahensiya at tugunan ang mga bottleneck upang mapabilis ang mga seryosong investment proposal.

Lumawak na rin ang international support sa LEC, na unang inilunsad katuwang ang Estados Unidos at Japan. Kabilang na rin sa mga sumusuporta ang Australia, Canada, Denmark, France, Italy, South Korea, Sweden at United Kingdom.

Ayon kay Recto, plano ring dalhin sa Visayas at Mindanao ang kahalintulad na development approach sa hinaharap. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here