Home NATIONWIDE Cendaña nais paimbestigan sa NBI mga online pangungutya sa PWDs

Cendaña nais paimbestigan sa NBI mga online pangungutya sa PWDs

3
0

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo si Akbayan Rep. Cendaña sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang mga online influencer at vlogger na umano’y nangungutya sa persons with disabilities (PWDs) at nagpapakalat ng homophobic attacks sa social media.

Kasama ang mga PWD advocate, nagtungo si Cendaña sa NBI headquarters sa Pasay City nitong Martes upang ihain ang reklamo.

Hiniling nila sa NBI na imbestigahan ang hindi bababa sa 30 online accounts, kabilang ang kina Cho Moreno, MP Miko Pogay at Kiffy Chu, na umano’y nagpo-post ng mga content na lumalabag sa Magna Carta of Disabled Persons at Safe Spaces Act.

Nais din nilang siyasatin ang online bullying, harassment, pangungutya at diskriminasyon na nararanasan ng mga PWD.

Sinabi ni Cendaña, na isang stroke survivor at openly gay, na nakararanas din siya ng “relentless online attacks” at “dehumanizing remarks,” ngunit hindi lamang ang kanyang personal na karanasan ang layunin ng reklamo.

“Sa dulo, ito ay tungkol sa pagtrato natin sa persons with disabilities. No space or platform, online or offline, should ever be a venue to mock, humiliate, and dehumanize PWDs,” aniya.

Nanawagan din siya sa NBI na magpadala ng malinaw na mensahe laban sa pangungutya at pagmamaliit sa mga PWD.

“We are asking the NBI to send a clear message: disability is not a joke, and dehumanizing PWDs is not a punchline,” saad niya.

Bago maghain sa NBI, nagsumite rin si Cendaña ng letter-complaint sa National Council on Disability Affairs upang aksyunan ang umano’y “dehumanizing attacks” laban sa kanya at ang online harassment sa mga PWD. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here