Home HOME BANNER STORY Marcos, rerepasuhin panukalang ipagpaliban BSKE sa 2028

Marcos, rerepasuhin panukalang ipagpaliban BSKE sa 2028

1
0

MANILA, Philippines — Rerepasuhin muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang nagpapaliban sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) bago magpasya kung lalagdaan ito, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na wala pa siyang kumpirmasyon kung naipadala na sa Office of the President ang mga bersyon ng panukala.

“Bago po magpasya ang Pangulo, kailangan niya pong mabasa ang lahat ng provision dito,” ani Castro.

Inaprubahan ng Senado nitong Lunes ang panukalang ilipat sa Nobyembre 2028 ang BSKE na orihinal na nakatakda ngayong Nobyembre 2026.

Nauna namang inaprubahan ng House of Representatives ang counterpart measure noong Setyembre 8.

Sa ilalim ng panukala, mapahahaba mula apat tungong limang taon ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Tinututulan naman ng ilang election watchdog groups ang panibagong pagpapaliban ng halalan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here