Home NATIONWIDE Palasyo: PH-US critical minerals MOU ‘di ‘legally binding’

Palasyo: PH-US critical minerals MOU ‘di ‘legally binding’

1
0

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Malacañang na hindi legally binding ang memorandum of understanding (MOU) ng Pilipinas at United States hinggil sa critical minerals at rare earths.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakasaad lamang sa MOU ang shared goals at intensyon ng dalawang bansa at wala pa itong partikular na obligasyong katulad ng isang memorandum of agreement (MOA).

Ginawa ng Palasyo ang paglilinaw kasunod ng pangamba ng Kabataan party-list na maaaring magbigay umano ang kasunduan ng maluwag na access sa US sa mining permits nang hindi dumaraan sa lokal na regulasyon.

Iginiit ni Castro na walang pagtatangkang itago ang kasunduan dahil inanunsyo na ng Department of Environment and Natural Resources ang pagpirma rito noong Pebrero.

Nilagdaan ng Pilipinas at US ang MOU noong Pebrero 4 upang palawakin ang kooperasyon sa critical minerals, kabilang ang supply chain diversification, domestic processing at sustainable mining practices.

Mahalaga ang critical minerals at rare earths sa paggawa ng electric vehicles, renewable energy systems, electronics at iba pang advanced technologies. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here