Home HOME BANNER STORY AFP mananatiling nakaalerto sa BARMM matapos halalan

AFP mananatiling nakaalerto sa BARMM matapos halalan

1
0

MANILA, Philippines — Mananatili ang presensya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang nagpapatuloy ang bilangan, proklamasyon at post-election period kasunod ng kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.

Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na handa ang militar na tumugon sa anumang validated security requirement at patuloy na makikipag-ugnayan sa Commission on Elections, Philippine National Police at iba pang ahensya.

Aniya, nakalatag sa BARMM ang iba’t ibang yunit ng militar, kabilang ang 1st, 4th, 6th at 10th Infantry Divisions, bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng security contingencies.

Nauna nang tiniyak ng AFP na layunin nitong protektahan ang mga botante, maiwasan ang election-related violence at mapanatili ang mapayapa at credible na electoral process.

Bukod sa mga posibleng insidente ng karahasan, sinabi ni Padilla na minomonitor din ng militar ang pagkalat ng fake news at posibleng foreign interference and malign influence kaugnay ng BARMM elections.

Nanawagan din ang AFP sa mga kandidato, supporters at iba pang stakeholders na igalang ang resulta at proseso ng halalan.

Ayon sa militar, mahalaga ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections hindi lamang sa demokratikong proseso kundi maging sa pagpapatuloy ng Bangsamoro peace process. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here