Home HOME BANNER STORY DFA: Muling iginiit na walang kasunduan sa China na alisin BRP Sierra...

DFA: Muling iginiit na walang kasunduan sa China na alisin BRP Sierra Madre sa Ayungin

1
0

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ng China na nangako umano ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni DFA Spokesperson for Maritime Affairs Rogelio Villanueva Jr. na walang kasunduan ang Maynila at Beijing na nag-oobliga sa Pilipinas na hilahin o alisin ang barkong pandigma mula sa lugar.

“The Philippine Government categorically rejects the assertion that the Philippines has repeatedly promised to tow away or remove the BRP Sierra Madre from Ayungin Shoal,” ani Villanueva.

Iginiit ng DFA na bahagi ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas ang Ayungin Shoal at wala umanong karapatan ang China na magpatupad ng maritime law enforcement doon.

Nauna nang sinabi ng Chinese Embassy na paulit-ulit umanong nangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre, bagay na matagal nang itinatanggi ng pamahalaan at Armed Forces of the Philippines.

May umiiral namang “provisional understanding” ang Pilipinas at China para maiwasan ang tensyon sa rotation and resupply missions patungo sa BRP Sierra Madre, ngunit nilinaw ng DFA na hindi nito isinusuko ang soberanya o sovereign rights ng bansa at hindi rin nito inaatasang humingi ng permiso sa Beijing.

Muling binigyang-diin ng DFA na final at binding ang 2016 arbitral award at nanawagan sa China na tuparin ang obligasyon nito sa ilalim ng international law.

Sinabi rin ng ahensya na bukas ang Pilipinas sa dayalogo at mapayapang pagresolba sa mga sigalot ngunit patuloy nitong ipagtatanggol ang soberanya, sovereign rights at hurisdiksyon ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here