Home NATIONWIDE BFP nakakuha ng 16 party-list seats sa unang BARMM parliamentary polls; UBJP...

BFP nakakuha ng 16 party-list seats sa unang BARMM parliamentary polls; UBJP may 15

1
0

MANILA, Philippines — Nakakuha ng pinakamaraming puwesto sa party representation ang Bangsamoro Federalist Party (BFP) sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa canvass report ng Commission on Elections.

Labing-anim na puwesto ang napunta sa BFP habang 15 naman ang nakuha ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP). Walong puwesto ang napunta sa BARMM Grand Coalition at isa sa Bangsamoro Peoples’ Raayat Democratic Party.

Apat na partido lamang ang nakakuha ng bahagi sa 40 puwestong nakalaan para sa regional parliamentary political parties matapos maabot ang kinakailangang 2.5% ng kabuuang valid votes.

May kabuuang 80 miyembro ang BARMM Parliament — 40 mula sa political parties, 32 district representatives at walong sectoral representatives.

Makasaysayan ang halalan noong Setyembre 14 dahil ito ang unang regular parliamentary election sa BARMM at bahagi ng paglipat mula sa interim Bangsamoro Transition Authority patungo sa isang halal na regional parliament. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here