MANILA, Philippines – Ang pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa status conference ng International Criminal Court (ICC) ay nagpakitang kaya niyang maunawaan ang pagdinig at ito ay ‘fit to stand trial,’ ayon sa abogado ng drug war victims na si Atty. Neri Colmenares nitong Huwebes, Setyembre 17.
Ani Colmenares, ilan sa kanyang mga kliyente ay nagkaroon ng lakas ng loob matapos makitang dumalo si Duterte sa status conference.
“Naipakita na puwede si President Duterte, fit siya for trial kasi naiintindihan niya yung nangyayari. Marunong pa siyang kumaway sa mga supporters niya. Alam niya kung saan doon sa gallery ang supporters niya,” sinabi ni Colmenares sa panayam ng GMA News.
“So hindi puwedeng masabi na hindi na siya fit for trial dahil ‘di na siya makaalaala o malimutin na siya na hindi naman talaga dahilan for declaring him unfit for trial,” dagdag pa niya.
Bagamat alam niyang hindi pa tukoy ang dahilan sa desisyon ni Duterte na personal na humarap sa pagdinig, sinabi ni Colmenares na ng presensya niya ay nagpapakita na nais nitong personal na pakinggan at maunawaan ang nangyayari sa kanyang kaso.
Ani Colmenares, ang mga pamilya ng umano’y biktima ng war on drugs ay nais na bumilis pa ang usad ng pagdinig ng ICC.
Layon ng status conference na gawing simple ang proceedings. RNT/JGC