Home NATIONWIDE Pulis na nasaktan sa pagbabantay sa BARMM polls pinarangalan ng PNP

Pulis na nasaktan sa pagbabantay sa BARMM polls pinarangalan ng PNP

3
0

MANILA, Philippines – Pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na nasaktan habang gumaganap ng trabaho sa makasaysayang eleksyon sa Bangsamoro noong Lunes.

Binisita ni Lt. Gen. Wilson Joseph Lopez, PNP deputy chief for operations, si Patrolman Justeen Reo Ga sa Notre Dame Hospital at siniguro na tutulungan ng pamahalaan kasama ang financial support.

Si Ga, na nakatalaga sa Dinagat Islands Police Provincial Office, ay kabilang sa apat na nasaktan nang atakehin ng armadong kalalakihan ang Cotabato City Central Pilot Elementary School sa pagbubukas ng botohan.

Mayroong isang nasawi sa insidente.

“The incident underscored the risks faced by police personnel on the front lines of election security as they carry out their duty to protect voters, election workers, and the integrity of the electoral process,” ani Lopez.

Ibinigay ang financial support sa sugatang pulis at sinigurong mananatiling prayoridad ang kapakanan, morale at tamang medical care para rito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here