Home HOME BANNER STORY Anti-political dynasty law prayoridad ng Kongreso — Speaker Dy

Anti-political dynasty law prayoridad ng Kongreso — Speaker Dy

1
0

MANILA, Philippines — Prayoridad ng Kongreso ang pagpasa ng isang “makatwiran at konstitusyonal” na batas laban sa political dynasties, ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Huwebes.

Sinabi ni Dy na layunin ng panukala na bigyang-bisa ang mandato ng 1987 Constitution na tiyakin ang pantay na pagkakataon sa public service at ipagbawal ang political dynasties ayon sa depinisyong itatakda ng batas.

Nauna nang inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa noong Hunyo 3 ang House Bill No. 8389 o proposed Anti-Political Dynasty Act, sa botong 267-20, habang pito ang nag-abstain. Ipinadala ito sa Senado noong Hunyo 8.

Sa ilalim ng House version, kabilang sa maaaring saklawin ng pagbabawal ang mga mag-asawa at kamag-anak hanggang second degree of consanguinity o affinity sa ilang sitwasyon ng sabay o sunod-sunod na paghawak ng elective positions.

May sarili namang bersyon ang Senado sa ilalim ng Senate Bill No. 1901, na nasa second reading.

Dumating ang pahayag ni Dy matapos magpasya ang Supreme Court en banc na obligasyon ng Kongreso sa ilalim ng Article II, Section 26 ng Konstitusyon ang pagpasa ng anti-political dynasty law.

Sa desisyong inilabas noong Setyembre 16, sinabi ng Korte Suprema na ang 39 na taong kabiguan ng Kongreso na maisabatas ang naturang probisyon ay maituturing na grave abuse of discretion, at inatasan itong kumilos “at the earliest opportunity.”

Ayon kay Dy, kailangang maging malinaw at makatwiran ang magiging limitasyon habang pinananatili ang karapatan ng mga botante na pumili ng kanilang mga kinatawan.

Handa na rin ang Kamara na makipag-bicameral conference sa Senado oras na maaprubahan nito ang sariling bersyon ng panukala. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here