Home NATIONWIDE P20-M multa: Bagong Anti-Espionage Bill lusot sa Kamara

P20-M multa: Bagong Anti-Espionage Bill lusot sa Kamara

1
0

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang New Espionage Act, na naglalayong palawakin ang saklaw ng batas laban sa espionage, kabilang ang cyber spying at mga banta sa critical infrastructure.

Sa botong 247 pabor, 10 tutol at walang abstention, inaprubahan nitong Huwebes, Setyembre 17, ang House Bill No. 9642.

Saklaw ng panukala ang unauthorized handling o pagbubunyag ng classified information na maaaring makapinsala sa bansa, gayundin ang hindi awtorisadong pag-access sa mga plano, blueprint o iba pang impormasyon tungkol sa critical infrastructure at national defense facilities.

Sa ilalim ng panukala, ang espionage at conspiracy to commit espionage ay maaaring patawan ng life imprisonment without parole at multang P10 milyon hanggang P20 milyon.

Pinaparusahan din nito ang ilang paggamit ng drones, cameras, listening devices at tracking equipment para sa ipinagbabawal na surveillance o spying.

Maaari ring humingi ang kwalipikadong military, law enforcement at intelligence personnel ng pahintulot mula sa Court of Appeals para sa surveillance at interception ng communications kapag natugunan ang mga kondisyong itinakda sa panukala.

Bibigyan din ng kapangyarihan ang Anti-Money Laundering Council na imbestigahan ang mga ari-arian at pondong inuugnay sa espionage offenses.

Ayon sa opisyal na rekord ng Kamara, inihain ang HB 9642 noong Hunyo 2 at unang inaprubahan sa second reading noong Setyembre 7.

Dahil panukalang batas pa lamang ito, kailangan pa nitong dumaan sa natitirang proseso sa Kongreso bago maipadala sa Pangulo para sa kaukulang aksyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here