MANILA, Philippines – Binangga ng China Coast Guard (CCG) vessel 21585 ang BFAR vessel na BRP Datu Magat Salamat habang nagsasagawa ito ng fuel subsidy mission para sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) nitong Setyembre 18, 2026.
Ayon sa PCG, dalawang beses hinarang ng CCG vessel ang BFAR ship bago ito tuluyang tumama bandang 11:13 a.m.
Nasira ang ilang bahagi ng BRP Datu Magat Salamat, kabilang ang railings, metal support structures at iba pang kagamitan.
Nangyari ang insidente sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ), malapit sa Abad Santos Shoal at nasa 54 nautical miles mula sa baybayin ng Palawan.
Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa utos ni Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan upang tumulong at tiyakin ang kaligtasan ng mga tripulante. Jocelyn Tabangcura-Domenden