CAVITE, Philippines – Patay ang isang 42-anyos na helper matapos umanong mahulog mula sa upper deck ng higaan sa barracks ng HTI Transport Department sa Brgy. Bacao 1.
Kinilala ang biktima sa alyas na Rommel, may-asawa at residente ng Brgy. Sta. Clara. Dinala pa siya sa Divine Grace Medical Center ngunit namatay makalipas ang apat na araw habang ginagamot.
Ayon sa report, bandang alas-2 ng madaling araw noong Linggo nang mahulog ang biktima mula sa mataas na bahagi ng higaan. Nagtamo siya ng matinding pinsala sa katawan at sugat sa ulo.
Samantala, nagpahayag ng pagdududa ang asawa ng biktima sa sinapit nitong pagkamatay kaya hiniling nito na isailalim sa awtopsiya ang labi upang matukoy kung may naganap na foul play. MARGIE BAUTISTA