Home OPINION P19.39 TRILYON UTANG, NUMERO LANG?

P19.39 TRILYON UTANG, NUMERO LANG?

5
0

TALAGA bang numero lang ang utang ng Pilipinas? Pinag-uusapan natin ang dambuhalang utang ng Pinas, partikular ang pamahalaan, na nasa P19.39 trilyon na ngayon.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, “Numero lang ‘yan…mas malusog pa nga ang ekonomiya ng Pinas kaysa iba riyan.”Nadatnan ni Marcos ang P12.79 trilyon utang ng nakaraang mga administrasyon kaya may P6.6 trilyon na aktuwal na inutang si Marcos.

Kalahati ang utang ni Marcos kumpara sa kabuuang utang ng nakaraang mga administrasyon at sa apat na taon niyang panunungkulan lamang ito naganap. Paano ang dalawang susunod na taon? Dahil sa laki ng utang sa loob at labas ng bansa, kailangang maglaan ang gobyerno ng pambayad.

At heto nga ang rekord: Para sa 2026, nagbayad ang gobyerno ng P950 bilyon para sa interes lamang at para sa 2027, magbabayad ito ng P1.11 trilyon para sa interes lamang din. Wala pa ang principal na utang diyan.

Katwiran ng Marcos government, kalahati lang naman ang inutang ko.Pero klaro na nakapagtatakang sa loob lang ng apat taon, kalahati ang inutang ng kasalukuyang gobyerno.Ang pinakamalaking tanong: Saan o kanino napupunta ang mga inutang?

Paano ipaliwanag ang lumalabas ngayong sa nakalipas na apat taon, pumunta lang ang P1.3 trilyon sa flood control scam sa ilalim ng Department of Public Works and Highways? Hindi pa pinag-uusapan ang mga kikbakan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno, kasama ang Department of Education na gaya ng sinasabi ni Vice President Sara Duterte na malakihan din ang kikbakan sa paggawa ng mga eskwela.

Mismong si Marcos din ang nagreklamo sa kanyang 2025 State of the Nation Address at sinabing “Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo, na binulsa niyo lang ang pera.”Pinamalaking tanong pa: Bakit taumbayan ang magbabayad ng mga utang na ‘yan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here