Home HOME BANNER STORY Maximum tolerance ipatutupad ng PNP sa Martial Law anniv protesters

Maximum tolerance ipatutupad ng PNP sa Martial Law anniv protesters

2
0

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang mga security measure ng Philippine National Police (PNP) para sa mga kilos-protesta sa Lunes, Setyembre 21, kasabay ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Iniutos ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga police commander na tiyaking sapat ang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na pagdarausan ng mga pagkilos. Inatasan din ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance habang ginagarantiyahan ang karapatan ng mga demonstrador sa mapayapang pagtitipon.

Sa pinakahuling bilang ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Linggo, nasa 17,085 personnel na, kabilang ang Civil Disturbance Management contingents at mga tauhan mula sa mga karatig na rehiyon, ang nakatakdang i-deploy sa Metro Manila.

Kabilang sa mga lugar na inaasahang pagdarausan ng mga aktibidad ang EDSA Shrine, People Power Monument, Mendiola at Liwasang Bonifacio, gayundin ang mga lugar malapit sa Senado at Kamara de Representantes.

Ayon sa PNP, gagamit din ng body-worn cameras ang mga pulis sa kanilang security operations. Nauna ring sinabi ng NCRPO na ang mga Civil Disturbance Management personnel ay hindi magdadala ng baril habang nakatalaga sa mga protesta.

Wala namang namomonitor na validated o specific security threat kaugnay ng mga aktibidad hanggang Linggo, ngunit sinabi ng mga awtoridad na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay.

Nanawagan naman ang PNP sa mga lalahok sa mga pagkilos na panatilihing mapayapa ang mga aktibidad at makipagtulungan sa mga awtoridad upang maiwasan ang anumang kaguluhan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here