Home NATIONWIDE Walang nanalo sa Ultra Lotto, Super Lotto; jackpot sa 6/58 umabot P315M

Walang nanalo sa Ultra Lotto, Super Lotto; jackpot sa 6/58 umabot P315M

1
0

MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng jackpot prizes sa dalawang major lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo, Setyembre 20.

Sa Ultra Lotto 6/58, walang nakatama sa winning combination na 28-33-20-02-16-23, kaya umabot na sa P315,343,028.12 ang jackpot prize.

Wala ring nakakuha ng P25,292,028.28 jackpot sa Super Lotto 6/49, na may winning combination na 05-33-29-22-12-44.

Patuloy na lalaki ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 sa susunod na draw hangga’t walang bettor na makakakuha ng tamang anim na numero. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here