Home METRO Mag-asawa arestado sa umano’y tangkang pagpapalaglag sa  Dasma

Mag-asawa arestado sa umano’y tangkang pagpapalaglag sa  Dasma

35
0

DASMARIÑAS CITY, Cavite — Inaresto ang mag-asawa matapos madala sa ospital ang isang 31-anyos na babae at matuklasang patay na ang 24-week-old fetus na kanyang dinadala sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang dalawa sa alyas na “Mary,” 31, at “PJ,” 29, kapwa residente ng Barangay San Agustin II.

Batay sa police report, isinugod ang babae sa isang ospital sa Dasmariñas sa Barangay Burol 2 dakong alas-1:30 ng madaling araw matapos makaranas ng pananakit ng tiyan.

Sa pagsusuri ng doktor, lumitaw umanong buntis ang babae at may indikasyon ng “intentional termination” ng pagbubuntis. Patay na umano ang babaeng fetus na tinatayang 24 linggo nang dalhin sa ospital.

Iniulat ng ospital ang insidente sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

Bantay-sarado ng mga awtoridad sa ospital ang babae habang dinala naman sa police station ang kanyang asawa.

Inihain sa Dasmariñas City Prosecutor’s Office ang reklamong kaugnay ng umano’y intentional abortion. Sa ilalim ng Revised Penal Code, magkahiwalay na probisyon ang Article 256 para sa sinumang sadyang nagdulot ng abortion at Article 258 para sa abortion na ginawa o pinahintulutan ng mismong buntis. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here