Home NATIONWIDE 32 bagong flu-like cases naitala sa Maynila

32 bagong flu-like cases naitala sa Maynila

2
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Lungsod ng Maynila ng 32 bagong kaso ng influenza-like illness o ILI nitong Lunes, Setyembre 21 — pinakamataas sa mga sakit na sakop ng W.I.L.D. diseases report ng lungsod.

Bukod sa ILI, nakapagtala rin ang Manila Health Department ng 22 bagong kaso ng dengue, 15 bagong kaso ng leptospirosis, at isang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Base sa datos ng Electronic Disease Case Surveillance and Information System hanggang alas-7 ng umaga, umabot na sa 1,788 ang kabuuang kaso ng ILI simula Enero 1. Pumalo naman sa 3,155 ang dengue, 1,440 ang leptospirosis, at 94 ang COVID-19.

Wala namang bagong naitalang kaso ng cholera, typhoid fever at severe acute respiratory infection, kaya nanatili ito sa 4, 74 at 405.

Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga Batang Maynila na huwag nang hintaying lumala ang sintomas at agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility kung may nararamdaman.

Nagpaalala rin ang MHD na mag-ingat ngayong tag-ulan — panatilihing malinis ang paligid, iwasan ang naipong tubig, uminom ng malinis na tubig, at agad magpatingin sa health center kung may sintomas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here