Home NATIONWIDE Gesmundo: AI maaaring tumulong sa arbitration, pero pananagutan nananatili sa tao

Gesmundo: AI maaaring tumulong sa arbitration, pero pananagutan nananatili sa tao

1
0

MANILA, Philippines — Nanawagan si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ng responsable at maingat na paggamit ng artificial intelligence (AI) sa international arbitration, kasabay ng pagdiin na hindi maaaring iasa sa teknolohiya ang pananagutan sa proseso ng hustisya.

Sa kanyang talumpati sa Inter-Pacific Bar Association (IPBA) Arbitration Day 2026 sa UP Bonifacio Global City Campus noong Setyembre 18, sinabi ni Gesmundo na ang hamon ay hindi lamang kung ano ang kayang gawin ng AI kundi kung paano ito gagamitin nang responsable, ayon sa ulat ng Philippine News Agency.

“Technology may assist the process, but the responsibility for the process remains human,” ani Gesmundo.

Dagdag niya, “Technology is a means; justice remains the end.”

Ayon sa punong mahistrado, nagbabago ang international arbitration kasabay ng mas komplikadong cross-border commerce, mabilis na paggalaw ng kapital at impormasyon, digital evidence at paggamit ng AI sa legal research, analysis at presentasyon ng mga kaso.

Binigyang-diin din niya ang papel ng international arbitration bilang neutral na mekanismo sa paglutas ng mga commercial dispute, kung saan maaaring pumili ang mga partido ng arbitrators na may angkop na expertise at procedures na naaayon sa kanilang kaso.

Tinalakay sa IPBA Arbitration Day 2026 ang paggamit ng AI sa international arbitration, global enforcement at asset recovery, expert testimony, at iba pang usapin sa arbitration practice.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here